Autobiography...
Ganun Talaga…
Kakaiba ang kumbinasyon ng mga salita na yan. Sapagkat gamit ang dalawang kataga na yan, maaari mong sagutin ang halos lahat ng tanong na nagsisimula sa “bakit”.
Pero hindi babagay ang mga kataga na yan sa lahat ng uri ng tao. Kung baga sa damit, hindi dapat magsuot ng pampusod ng buhok ang isang kalbo, gayong walang namang pumipigil sa kanila na gawin yun. Baka lang kasi mahirapan sila.
Isa ako sa mga taong yan. Hindi yung kalbo na gumagamit ng pampusod ng buhok. Isa ako sa gumagamit ng “Ganun Talaga” bilang sagot sa karamihan ng tanong na binabato sa aking. At nag-ipon nang ilan sa mga paborito kong tinanong sa akin na sinagot ko ng “Ganun Talaga.” Ang mga ito ay:
· Bakit daw ako hindi papasok sa araw ng birthday ko? (Hindi ko kasi sinabi na ang birthday ko ay June 12, kaya talagang walang pasok. Madaling makatakas sa panlilibre ng mga kaibigsn kapag walang pasok sa araw ng kapanganakan mo.)
· Bakit mainit ang ulo ko noong unang araw ng klase? (June 12 ang unang araw ng klase at hindi talaga ako sanay na umaalis ng bahay kapag araw na yun.)
· Bakit ako nabasa ng katumbas ng isang batyang tubig na nahulog mula sa isang parachute na ginawang tent gayong umiwas na ako? (Dun ko napatunayan na malabo
· Bakit ako nahulog sa mula sa taas na apat na baitang ng hagdan nang pilitin kong abutin ang switch ng ilaw habang nakaupo ako sa upuang plastic? (Sa totoo lang, masakit talaga yun. Nabagsakan pa ng likod ko ang upuan.)
· Bakit ako palaging nagpapatawa kahit na seryoso na ang lahat sa paligid ko? (Hindi ko alam kung masayahin lang talaga ako, o talagang malaki ang sira ko sa kokote.)
· Bakit kami lumipat mula sa Bulacan at ngayon ay nakatira na kami sa Antipolo? (Hanggang ngayon, wala pa talaga akong maisasagot sa tanong na yan.)
· Bakit ako nagrerenta ng kwarto sa Krus na Ligas ditto sa Diliman gayong sa Anitpolo lang naman pala ako nakatira? (Yun ay dahil tamad akong mamasahe araw-araw mula sa amin.)
· Bakit ako hindi tumira sa Kalayaan Dorm noong bagong pasok ako sa U.P. at mas pinili ko pang tumira sa Krus na Ligas? (Ayoko lang siguro talaga.)
· Bakit ako naging isang Non-Major na estudyante matapos lamang ng isang taong sa U.P.? (Yan ay dahil sa 24-unit rule ng Eng’g. Minsan naitanong ko sa ibang kaklase ko kung alam nila kung ano ang 24-unit rule, at napag-alaman kong sa Eng’g lang pala ginagamit ang patakaran na ito. Malas talaga.)
· Bakit matapos ang isang taon at kalahati nang pagiging Non-Major ay hindi pa rin ako nakakahanap ng kolehiyo sa U.P. na malilipatan? (Yun naman ay dahil hindi ako nakapasa nang una kong sinubukan pumasok sa journ, kung saan ko talagang gustong lumipat.)
· Bakit ako nag-AWOL ng isang semestre? (Pareho na rin ng nasa itaas ang sagot.)
· Bakit hanggang ngayon, matapos ang apat na taon ko sa U.P., hindi ko pa rin nabubuksan ang webmail ko, dahilan upang hindi pa ako makapag CRS sa buong tagal ko dito sa unibersidad? (Masipag lang talaga akong maglakad at maghanap ng klase. Mapapadali lang ang pagsuko ko kapag iniasa kong lahat sa CRS na, minsan, sa mano-mano lang din naman ang bagsak.)
· Bakit ako naaasar sa estado ng OPM music ngayon? (Siguro dahil hindi na siya orihinal, dahil puro revival, hindi na siya pinoy, dahil mga kanta ng mula sa ibang bansa ang madalas kantahin ng mga pinoy na manganganta, at. karamihan, hindi na musikang maituturing ang lumalabas.)
· Bakit ako naghihintay sa harap ng silid-aralan para sa susunod kong klase samantalang ang klase ko ay magsisimula matapos pa ang isang oras at kalahati? (Madalas yan noong Non-Major ako. Hiwa-hiwalay ang mga klase dahil mga latak o tira-tirang mga klase ang makukuha mo. Pero yun ang mga panahon na nakakuha ako ng pinakamagagaling kong propesor.)
· Bakit madalas, iyon at iyon ang palagi kong suot na damit? (Simple lang ang sagot dyan, dahil yun lang ang mga danit ko.)
· Bakit ako lumipat sa kursong “journalismo”? (Pasensya na kayo, hindi ko talaga matiis na hind gamitin sang salitang narinig ko noong Gawad Plaridel. Sige, ibahin natin…)
· Bakit ako lumipat sa kursong peryodismo? ( Sana
Pangit man pakinggan ang “Ganun Talaga” bilang sagot, may mga tao talaga na gumagamit nito. Isa ako sa kanila. Mukha mang umiiwas lang ang tao na sagutin ang mga katanungan nabinabato, marahil may dahilan siya kung bakit yun ang kanyang sinagot. Maaaring ayaw lang niya talagang sabihin ang tunay na sagot sa mga pag-uusisa ng kausap. Maaari rin namang ayaw na niyang guluhin pa ang kausap tungkol sa mga detalye ng buhay niya na hindi na dapat pang malaman ng ibang tao. Pwede ring wala talagang kasagutan ang mga katanungan sa kanya. Hindi natin malalaman talaga kung ano ang umaandar sa isipan ng ibang tao. Kung sarili nga natin, minsan, hindi pa natin maintindihan, aasa ka pa bang maiintindihan mo ang ibang tao. Mas mabuti pang ibahin mo ang porma ng tanong mo. Yung hindi nagsisimula ng “Bakit”. Para
At kung tatanungin mo ako kung bakit ganito ang autobiography na ginawa ko, isa lang ang maisasagot ko sa’yo…(parang wala kang binasa ah)
Ganun Talaga…




